top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mga bibiyahe ngayong Semana Santa, magbaon ng maraming pasensiya

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2019
1 min read

MAGBAON ng maraming pasensiya.

Ito ang payo sa mga motoristang bibiyahe ngayong nalalapit na Semana Santa.

Tulad sa mga daraan sa North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

Batay sa pagtataya, asahan na umano ang 15 porsiyentong dagdag sa rami ng mga sasakyang daraan dito.

Noong 2018, umabot na umano sa 330,000 sasakyan kada araw ang nairehistro ng NLEX sa kasagsagan ng Holy Week, mas mataas kumpara sa 250,000 sasakyan kapag ordinaryong araw.

Samantala, maaari umanong pumalo sa 20 porsiyento ang dagdag na bibiyahe sa Cavitex.

Nangangahulugan ito na posibleng umakyat sa 170,000 hanggang 175,000 sasakyan ang maitatala simula sa Miyerkules Santo.

Mas mataas kumpara sa 150,000 hanggang 160,000 na pangkaraniwang bilang ng mga sasakyang bumibiyahe.

Gayunman, hindi lang para sa mga mag-e-NLEX o Cavitex ang paalala kundi sa lahat.

Kasabay ng mainit na panahon, hindi rin maiwasan ang mabilis na pag-init ng ulo.

Kaya bago umalis ng bahay, i-relax ang sarili at mag-isip ng mga paraan kung paano masasabayan ang trapik nang hindi maba-badtrip.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page