top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING KABIT, HABAMBUHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Maestro, iisa lang ang nakikita kong Marriage Line sa aking mga palad, pero baluktot at magulo ito.

  2. Sa ngayon, may kinakasama ako, pero may asawa na siya. May sarili kaming apartment, kaya lang min­san lang siya pumunta rito.

  3. Mahirap din ang kalagayan ko dahil palagi akong nakararamdam ng takot at kaba na baka dumating ang araw na bigla na lang pumunta sa apartment namin ang tunay na misis ng kinakasama ko at pagkatapos ay awayin ako.

  4. May tsansa kaya na dumating ang panahon na maging legal wife rin ako ng lalaking kinakasama ko ngayon kahit na siya ay may asawa na?

  5. Kung hindi, may chance pa kaya na makapag-asawa ako ng binata at magkaroon ng matino, sarili at masayang pamilya?

KASAGUTAN

1.Pansining bukod sa pagiging magulo, may bilog at hindi normal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, nagkaroon din ng napakalaking bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Malinaw na ikaw ay masusuong sa relasyong hindi nor­mal at posible ngang ito ay ang kasaluku­yan mo ng nararana­san na nakikisosyo ka sa pag-aari ng iba.

3. Ang pag-aana­lisang malabo ka ng makaalis sa kasa­lu­kuyan mong kinasadlakang kapalaran bilang kabit o kerida ay madali namang kinumpirma ng magulo mo ring lagda. Bukod sa may malaking bilog, nagpaikut-ikot pa ito kung saan-saan na nakalikha nang malalaking hugis at sadyang nagpagulo pang lalo sa iyong lagda.

Tanda na sa umpisa pa lang, magulo na ang background ng iyong pamilya na po­sibleng dahil may magulo kang pi­nang­galingang angkan o pamilya, maaaring ito rin ang nagtulak sa iyong kapalaran upang ikaw ay pumatol sa may asawa na.

4. Bagama’t, hindi mo ito ginusto, ang malaking proble­ma ngayon ay kung paano ka makakawala sa magulong pakikipagrelasyong pinasok mo, gayung bukod sa hindi maganda ang Marriage Line (1-M arrow a.) mo ay pinag­kalooban ka rin ng pangit at magulong Heart Line (h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

5. Ito ay malinaw na indikasyon na posible ngang ha­bam­buhay ka ng maging kabit. Kaya wala kang dapat gawin nga­­yon, kung halimbawang sustentado ka naman ng lala­king kinakasama mo ay mas maganda kung mag-iipon ka nang mag-iipon ng maraming pera. Sa ganyang paraan ay pinag­hahandaan mo na ang future mo at ang future ng mga ma­giging anak ninyo at kahit kabit ka, mamumuhay ang inyong pamilya nang marangya at maligaya.

6. Kaya tulad ng nasabi na, dapat kang mag-ipon nang maraming-maraming pera sapagkat mahirap na ngang ituwid ang kasalukuyang pangyayari o ang kasalukuyang pagkaka­maling nagawa mo, ngunit, ang paparating na kaganapan sa kinabukasan ay maaari namang paghandaan at pagandahin pa. Kaya tulad ng nasabi na, mapaghahandaan mo ang iyong kinabukasan kung habang nakikipagrelasyon ka sa lalaking may asawa na ay nagtatabi ka rin ng pera.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Carla, minsan, nais talaga nating gawin ang tama at matuwid, ngunit, mas madalas ang takdang kapalaran pa rin ang natutupad at nananaig, kaya ang dapat mong gawin ngayon ay ang mag-ipon ka nang mag-ipon at magpayaman dahil ang nakatakda sa iyong mga palad ay magiging kabit ka na, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page