Scientists sa Georgia, magpapatubo ng ubas sa Mars
- Joy Repol Asis
- Apr 12, 2019
- 1 min read
PLANO ng grupo ng mga scientist sa Georgia na makapagpatubo ng ubas sa planetang Mars.
Batay sa ulat, isa ang Georgia sa mga unang nagpakilala ng iba’t ibang klase ng alak sa buong mundo, mula sa kanilang mayamang lupain sa mga klase ng grapes.
Sa isang pahayag ng astrobiologist na si Marika Tarashvili, nakadiskubre na sila ng bacteria para ikondisyon ang halaman sa klase ng lupa sa Mars.
Samantala, para sa founder ng Space Farms na si Tusia Garibashvili, hindi malayong magamit ang kanilang mga natuklasan kapag narating na ng tao ang tinaguriang Red Planet.





Comments