top of page
Pokwang.jpg

Ipinagkalat pa naman… BEA, PROUD NA NAG-DARNA SA SHOW NG DOS, 'DI IPINALABAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

BAGO pala sumikat nang husto ang pangalang Bea Alonzo ay nagkaroon ng embarrassing moment ang aktres na hinding-hindi niya malilimutan.

Sa exclusive interview ng KAMI.ph, ikinu­wento ng magandang aktres ang karanasan niya nu’ng talent pa lang siya.

Nangyari raw ito sa Oka Tokat. Hindi pa raw parte ng Star Magic si Bea.

Aniya, isinama siya sa paranormal drama na Oka Tokat kung saan sinabihan siyang mag­suot ng Darna costume early in the morning.

Sinunod naman daw niya ang sinabi sa kanya. ‘Yun nga lang daw ay naghintay siya ng napakatagal na oras suot ang Darna costume, pero ang kanyang eksena raw ay kinunan pa the next day.

‘Di naman daw siya nagreklamo kahit gaano katagal ang paghihintay niya. Katunayan, ipi­nagmalaki pa raw niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na kasama siya sa Oka Tokat but only to find out na ang partisipasyon niya sa naturang programa ay na-edit-out.

“Pinag-Darna outfit nila ako at seven in the mor­ning, tapos ang hirap talaga mag-artista dahil wala pa ring cut-off noon. 9 AM na, hindi pa ako nakukunan, the next day, ha? Naka-Darna outfit ako the whole time,” paglalahad ni Bea.

“Embarrassing siya because pagkatapos naming mag-shoot, siyempre excited kami... Naipagkalat ko na sa buong barangay at lahat ng kamag-anak ko na lalabas ako sa Oka Tokat, pero na-edit-out ‘yung eksena na kasama ako,” dugtong pa ng ngayon ay isa nang A-1 actress.

Siguro, ang na-experience ni Bea nu’ng time na ‘yun ay siya ring naging daan para kilalanin siyang mahusay na aktres ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page