Ex-husband na may iba ng mahal

Salaminin natin ang panaginip ni Neneth ng Neth_Neth@facebook. com
Dear Professor,
Napananaginipan ko ang aking ex-husband. Sa panaginip ko, palagi niya akong sinasaktan, kaya mabigat ang loob ko sa kanya. May kasama raw siyang babae na nakita ko sa FB. Sobra raw akong nasaktan at nalungkot.
Halos gabi-gabi akong nananaginip tungkol sa kanya, kung wala siyang kasamang iba, sobra naman siyang makaiwas sa akin, kumbaga, hindi niya ako pinapansin.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Salamat!
Naghihintay,
Neneth
Sa iyo Neneth,
Nakatutuwa at nakagugulat ang puwedeng mangyari sa buhay ninyo ng ex-husband mo kung saan “ang asawa ay ang kabit”.
Dahil kitang-kita sa iyong panaginip na mahal mo pa ang dati mong asawa na kapag kayo ay muling nagkaroon ng komunikasyon, maaaring maging kayong muli.
Kaya lang, may mahal ng iba ang ex-husband mo kahit na maging kayo ulit. Ang magandang balita, ito ay mananatiling lihim kung saan kahit na ikaw ang asawa ay ikaw pa ang magmumukhang kabit na usung-uso ngayon.
Gayunman, sa panaginip, walang palatandaan na ito ay mahahadlangan, pero sa darating pang mga araw maaaring matakasan mo ang nasabing “biro ng kapalaran.”
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments