top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA GINAGAMIT SA PAGPAPAGALING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Ro­dolf ng Rodolfo_Rodolfo @facebook.com

Dear Señor,

Ano ang masasabi ninyo sa sinabi ng pari rito sa amin? Nagsimba kasi ako, tapos, ang sabi ng pari ay wala raw bisa ang mga ba­gay na ginagamit sa pagpa­pagaling.

Kay Jesus Christ lang daw dapat maniwala at wala ng iba pang dapat pa­niwalaan.

Naghihintay,

Rodolf

Sa iyo Rodolf,

Oo, iho, dapat kay Jesus Christ lang maniwala ang mga Kristiyano dahil si Je­sus ang mismong “Kristi” sa salitang Kristiyano. Kum­baga, ang “Christ” sa sali­tang “Christian” ay si Jesus Christ mismo.

Dahil dito, ano kaya ang paniniwala ni Jesus sa mga bagay-bagay na puwedeng makapagpagaling?

Kum­baga, iho, ang pa­kinggan at sundin natin ay si Jesus mismo at hindi ang pari na sinasabi mo.

Tingnan mo, may isang bulag na pinagaling ni Jesus. Paano Niya pinagaling ang bulag?

Kumuha si Jesus ng putik, nilagyan Niya ito ng laway at ipinahid sa bulag at ang bulag ay nakakita, as in, hindi na siya bulag.

Napansin mo ba, iho, ang putik ay ayaw na ayaw ng mga sosyal?

Pero, hindi lang mga sos­yalista ang may ayaw sa putik dahil ‘yung mga ma­aarte ay takot na takot sa pu­tik na parang nakakita ng multo kapag may putik.

Ang mga mayayaman ay ayaw maputikan ang ka­nilang mga paa o anumang bahagi ng kanilang katawan.

Kaya ang mga taong gan­yang klase ang ugali, ka­hit kailan ay mananatiling bulag sa katotohanan at hindi na rin maipamumulat sa tamang aral at katuruan ni Lord Jesus Christ.

Minsan, may itinanong si Jesus sa kanyang kaharap, ang sabi Niya, “paano aaka­yin ng bulag ang kapwa niya bulag?”

Ngunit, biglang may nag­tanong, “mahirap gisi­ngin ang nagtutulug-tulu­gan, eh, ang nagbulag-bula­gan ano naman kaya ang ka­hihinatnan?”

Ibig sabihin, kailangang may tumulong sa nanganga­ilangan.

◘◘◘

“Mihi Inimici Mei Au­de­amus”, ito ang orasyon sa harap ng mga kaaway. Muling ipinaaalala na ang mga orasyon ni Señor ay pure Latin at hindi tulad ng mga nagkalat na mga oras­yon na hindi nalalaman kung ano ang wika.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page