3 katao sugatan sa aksidente
- Pabs Hernandez III
- Apr 12, 2019
- 1 min read
CAPIZ—Tatlo katao ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng kotse ang kinalululanan nilang tricycle, kamakalawa sa Roxas Avenue, Roxas City sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Alexander Aroncena, driver ng tricycle; Esmaelita Agudo at Emmeryl Casipe, kapwa pasahero ng tricycle.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotseng minamaneho ni Julius Arches kaya aksidenteng nabangga nito ang tricycle na kinalululanan ng mga biktima.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang mga biktima, samantalang, kusa namang sumuko sa pulisya si Arches.





Comments