top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NOWITZKI, NABALAM ANG PAGRERETIRO, WADE, TINAPOS NA ANG NBA CAREER

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 11, 2019
2 min read

SA final home game na sana ng kanyang legendary career, pinasaya ni Dirk Nowitzki ang manonood sa final show sa bisa ng season-high 30 points sa panalo ng Dallas Mavericks, 120-109, laban sa bisitang Phoenix Suns sa NBA game kahapon.

Iaanunsiyo sana ni Nowitzki, 40, matapos ang laro na magreretiro na siya kasunod ng season finale ng Mavericks ngayong araw sa San Antonio.

Pinalakas ng 7-footer, na pumasok sa liga noong 1999 season, ang power forward position, umiskor ng 10 points sa 7 minuto na opening at may 19 puntos sa season-high, 18 shot attempts sa first half upang palakasin ang Dallas sa 68-38 halftime lead.

Ipinamalas pa niya ang season high points sa bisa ng limang 3-pointer sa kanyang laro sa kaagahan ng 3rd quarter para sa 22 points. Kasunod iyan ng bihirang slam dunk na lalong ikinatuwa ng manonood at ikinasiya naman ni Nowitzki.

Samantala, si Dwyane Wade ang pinal na talagang nagtapos ng kanyang NBA career sa isang home game sa bisa ng pag-iskor na 30 points upang pamunuan pa ang Miami Heat sa 122-99 win kontra sa Philadelphia 76ers.

Habang nanonood ang kanyang misis na aktres na si Gabrielle Union, nakagawa si Wade ng 10 of 23 shots, kabilang na ang 4 of 10 attempts sa gilid. Ito ang kanyang ikalawang highest scoring game ng season.

Bittersweet lamang ang gabi na iyon sa Heat (39-42) dahil wala na sila sa playoff habang giniba ng Detroit Pistons sa 22-points na kalamangan ang Memphis Grizzlies. Ito ang ikatlo sa nakaraang 5 taon sa Miami na nabigong makasampa sa playoffs. Pero nakapagwagi sila ng apat na straight na Eastern Conference titles at dalawang NBA championships kung saan player sina Wade, LeBron James at Chris Bosh.

Sa iba pang laban, tinalo ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 112-103. Ginapi ng Utah Jazz ang Denver Nuggets, 118-108. Buhay pa sa playoffs ang Charlotte Hornets nang talunin ang Cleveland Cavaliers, 124-97. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page