Nasa training mission | FIGHTER JET NG JAPAN, NAWALA
ISANG Japanese F-35A stealth fighter jet ang nawala habang nasa training mission.
Ayon sa defense military, nawala ang nasabing jet na may sakay na piloto sa bahagi ng Miasawa, northeastern Japan.
Sinasabing 30-minuto makaraang magtake-off sa Miasawa Air Base ay nawalan umano ng contact sa naturang eroplano.
Inaalam na ng mga awtoridad kung ano ang nangyari sa fighter jet.
Patuloy din ang search and rescue operations upang mahanap ito.
Kaugnay nito, ayon sa Japanese defense ministry office, sususpendihin muna nila ang operasyon ng 12 pang F-35A fighters.





Comments