top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot dedo, 3 sugatan sa pamamaril

Pabs Hernandez III
Apr 11, 2019
1 min read

COTABATO CITY—Isang lalaki ang namatay at sugatan ang tatlo nitong kaibigan nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Poblacion 4 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Aminudin Musa, samantalang, ang mga sugatan ay sina Nasrudin Nanao, Doring Alamansa at Joharli Nanding, pawang residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nakatayo ang mga biktima nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page