top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babaeng hindi marunong magalit sa dyowa kahit niloloko na siya nito

  • ROMA AMOR
  • Apr 11, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Klang, 24 years old. May boyfriend ako ngayon na babaero, pero kahit na ganu’n siya ay hindi ako nagagalit sa kanya, siguro dahil ‘yun sa pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Madalas, sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na sushunga-shunga raw ako dahil nagpapaka-martyr ako sa BF ko kahit na harap-harapan na akong niloloko. Ano ang gagawin ko, eh, mahal ko talaga siya? Paano ako mata­tauhan? Sana, matulu­ngan ninyo ako. — Klang

Klang,

Alam mo, sis, tama ang mga kaibigan mo dahil sa totoo lang, kung alam mong niloloko ka na nang harap-harapan ng BF mo, dapat matuto kang pahala­gahan ang sarili mo, lalo na at hindi tama ang ginaga­wa niya. Mag-isip kang mabuti at pakinggan mo ang mga taong nasa paligid mo, partikular ‘yung mga totoong nagmamahal sa iyo. Huwag kang magbulag-bulagan ng dahil sa pag-ibig, oo, totoo na marami ang nagiging tanga rito, pero dapat may limita­s­yon ‘yun at sa sitwasyon mo, sobra-sobra na ang naibigay mo. Magpahinga ka naman at mahalin mo ang iyong sarili. Kaya mo ‘yan, sis! Hindi mo deserve ang lalaking babaero at manloloko! Okay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page