Shoutout sa mga nakare-relate nating beshy diyan…. 8 WAYS KUNG PAANO MAHA-HANDLE ANG MIXED EMOTIONS
- Donna Thea Topacio
- Apr 10, 2019
- 2 min read

NAKABABALIW, ganito ‘yung feeling kapag nakararanas ka ng mixed emotions, ‘yung tipong nalulungkot ka na masaya, tapos maya-maya maiiyak ka. Ha-ha-ha! Oh, ‘di ba, parang baliw lang? Pero, knows naman nating normal lang na pagdaanan ang ganito, kaya narito ang ilang paraan kung paano ito makakayanan o malalagpasan:
1. GET SUPPORT. Of course, mainam na may taong nand’yan para alalayan ka, mahirap kasi kapag mag-isa dahil nake-carried away ka sa nararamdaman mo kung saan imbes na maging matalino ka sa pagpapasya, eh, kung anu-ano na ang ginagawa mo dahil nadala ka na nito. Naku, besh, mahirap ‘yan dahil may tendency na magsisi ka sa huli.
2. DON’T BLAME. Hindi rin umano makabubuti, kung maninisi ka pa ng ibang tao dahil sa feelings na nararamdaman mo, mas okay kung sosolusyunan mo ito sa sarili mong paraan nang sa gayun ay wala ng ibang madamay at hindi na lumaki ang isyu o problema.
3. THINK TWICE. Ooops, yes, kailangan mong gamitin ang iyong utak, besh! Dehins puwede na gora nang gora, tapos, wala kang bala o sandata. Minsan, oks din maging mabilis sa pag-aksiyon, pero this time, mas kailangan ang pag-iisip nang mabuti. Okie?
4. DON’T PANIC. Huwag kang mataranta dahil hindi ka naman sasaktan kapag nakararanas ka ng iba’t ibang feelings. Knows naman natin na halos lahat tayo ay relate rito, kaya hinay-hinay lang, besh!
5. TELL THE TRUTH. Kung bet mong masolusyunan ang feelings mo, eh, dapat magsabi ka ng totoo kung bakit mo ito naramdaman dahil kung magsisinungaling ka, mas lalo lang gugulo ang sitwasyon at eksena, lalabas pa na sinungaling ka, kaya baka iwanan ka pa ng mga taong sumusuporta sa iyo.
6. LEARNED TO ACCEPT MISTAKES. Kung ikaw ang may pagkakamali, make sure na tatanggapin mo ito dahil isa ito sa mga paraan para mapakalma mo ang iyong sarili. Sa una masakit, lalo na kung dehins mo naman ito sinasadyang gawin, pero darating sa point na puro “sorry” na lang ang mabibigkas mo sa iyong bibig.
7. TRUST PEOPLE. Pagkatiwalaan mo ‘yung mga taong tanggap ka kung ano ka habang dumaranas ka ng seryosong problema. Sa totoo lang, minsan na lang tayong makakikilala ng mga ganyang tao.
8. DON’T OVERTHINK. Relate? Kao-overthink mo ‘yan, besh, kaya kung anu-ano ang iyong nararamdaman. Huwag kasi tayong masyadong advance mag-isip, hindi naman tayo Diyos para malaman kung ano ‘yung inilaan Niya para sa atin, ‘di ba?
Oh, ayan, halu-halong emosyon na nakapanghihina ng loob, pero kapag nalagpasan ninyo ito, tiyak na gagaan ulit ang inyong buhay.
Copy?





Comments