HOROSCOPE | ABRIL 10, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 10, 2019 (Miyerkules): Hindi ka maaawat sa pagtulong sa iyong kapwa dahil ito mismo ang ipinagagawa sa iyo ng iyong kapalaran at ito rin ang dahilan kung bakit lumalapit sa iyo ang mga suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis na aasenso ang nagtatrabaho nang masaya. Kaya hindi puwede na matalo ka ng lungkot. Mas maganda na maghanap ka ng paraan kung paano ka sasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto – 8-10-13-24-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabuti sa kalusugan ang sikat ng Haring Araw at ang mga sikat na kakilala mo na malapit sa iyo ay makabubuti naman sa iyong kapalaran. Kaya ang payo ay dumikit ka sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-19-20-21-23.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi totoo na kapag hindi ka nakinig sa mga payo ay magkakamali ka. Noon at hanggang ngayon, maganda ang buhay mo dahil sarili mo lang ang iyong pinakikinggan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-19-25-37-42-45.
CANCER (June 21- July 22) - Aalalayan ka ng iyong kapalaran, kaya wala kang dapat ikatakot. Kaya ang payo ay gawin mo ang alam mong makabubuti sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-26-30-43-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagpasya ang langit na ang huling halakhak ay sa iyo ibibigay. Kaya pansamantalang hayaan mo lang na makaporma ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-16-20-28-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ingatan mong talunin ka nang labis na tiwala mo sa iyong sarili. Isabuhay mo ang pagiging alerto sa bawat sitwasyon. Huwag mong kalimutan, ang nagpapabaya sa laban ay maaaring matalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napansin mo ba na may mga sandali na tahimik ka? Ito ay nagpapaalala na sa araw na ito, kailangang magdebosyon ka sa kinikilala at sinasamba mo na banal na personalidad. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-19-22-28-31-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hanapin ang nawala at hindi ka dapat malungkot. Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napakalaking suwerte na para sa iyo lamang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-24-25-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang iyong kailangan sa pag-iisip ng mga problema. Sa nakapahingang isip, ang mga bagay na mabigat at maselan ay madaling naihahanap ng kaukulang solusyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-13-29-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo kung ano ang kaya mo. Huwag kang maging mapagmalabis para hindi ka mapagod. Huwag kang maniwala na kapag tinutukan ang bagay, ito ay tiyak na makukuha. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-21-25-27-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabahala kung ano ang kakainin mo sa mga susunod na araw, kumbaga, ilagay mo sa iyong isip ang sinasabi ng iba na ang langit ay hindi pinababayaan ang mga ibon sa paglipad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-14-27-30-31-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumukuha nang buwelo ang mga suwerte mo. Mapapansin mong parang biglang nawala ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-20-23-38-40.




Comments