top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng napapagod ng mag-aral dahil sa mga magulang

ROMA AMOR
Apr 10, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Charlene, 26 years old at kasaluku­yang kumukuha ng short course na Culinary Arts. Sa totoo lang, graduate na ako ng kursong BS Business Administration at kinuha ko ito dahil ito ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Kaya lang, nagdadalawang-isip ako kung tatapusin ko ang kursong ito dahil nahihi­rapan talaga ako rito. Ang tanging pumi­pigil sa akin na huminto ay ang kagus­tuhan ng mga magulang ko na tapusin ko ito dahil siguradong madi-disappoint sila. Ano ang dapat kong gawin? — Charlene

Charlene,

Naku, ang hirap nga ng sitwasyon mo, sis! Pero, ang maipapayo namin sa iyo ay tapatin mo ang mga magulang mo na hindi mo kayang tapusin ang kursong kinukuha mo. Ipinapayo rin namin na maging handa ka sa magiging reaksiyon nila dahil sabi mo nga ay madi-disappoint sila. Hayaan mo at darating din ang oras na maiintindihan ng mga magulang mo na ang bawat isa ay may kani-kanyang kagustuhan. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page