top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aktor, kaya binigyan ng chance… RIA, TANGGAP SI JM KAHIT DATING ADIK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2019
  • 2 min read

ANG daming nakapansin na blooming ngayon si Ria Atayde nang humarap siya kahapon sa thanksgiving presscon ng pamilya Atayde para sa entertainment press.

Komento ng mga reporters, muk­hang in love si Ria ngayon. Si JM de Guzman ba ang dahilan?

“Hindi, grabe,” mabilis na tanggi ni Ria, “nakapagpahinga lang.”

Last week nagsimulang ma-link si Ria kay JM dahil nga ibinuking ni Arci Mu­ñoz sa presscon ng Last Fool Show na mukhang may “something” sa kanila ng aktor.

Pero ayon kay Ria, magkakaibigan sila nina JM at Arci. Hindi nga raw niya alam kung bakit nasabi ng aktres na may “something” sa kanila ni JM.

Ayon kay Ria, naging friend din niya si JM dahil may small group sila sa showbiz at nagha-hang-out-hang-out sila. Si Arci naman ay friend niya since Can We Still Be Friends? na movie ng aktres at ni Gerald Anderson.

Kami ni Arci, sobrang close kami, dahil ‘di ba, my first movie, nandu’n po siya? Movie niya ‘yung first movie ko, eh, Can We Still Be Friends?,” sey ni Ria.

If ever ba na manligaw sa kanya si JM ay may chance?

Oo naman, I see no problem,” diretsong sagot ni Ria.

Pero okay ba sa kanya ang isang guy na may “past”? Of course, everybody knows naman kung ano ang mabibigat na pinagdaanan ni JM sa buhay, kung saan inamin nga noon ng aktor ang paggamit niya ng ilegal na droga.

“Sa tingin ko naman po kasi, he wouldn’t be the person he is now if he didn’t go through all of that. I think, the person that he is now is a good person. And that person is worth giving the chance,” she said.

Basta sa ngayon ay single raw ang status niya at huma-hang-out-hang-out lang with friends.

Okay na ba sa Kuya Arjo Atayde niya ang magkaroon siya ng boyfriend from showbiz? Nabanggit kasi noon ng aktor na ayaw niya ng taga-showbiz for his younger sister.

“Actually, Arjo naman po kasi, hindi po siya mas­yadong strict or masya­dong nambabakod. Supportive naman siya in general at tanggap naman niya kahit sino. Sinasabi lang niya ‘yun (na ayaw sa taga-showbiz),” she said.

Kasalukuyang napapa­nood si Ria sa teleseryeng Halik sa ABS-CBN with Jericho Rosales, Yam Con­cepcion, Sam Milby and Yen Santos. Last three weeks na lang daw ang show at aba­ngan ang pagtatapos nito.

Samantala, sa thanksgiving presscon ay present din ang kuya niya at ang mom niyang si Sylvia Sanchez. Very thankful and grateful ang mag-iina sa mga blessings na dumarating ngayon sa buhay nila. Nagpapasa­lamat din sila sa entertainment press na laging sumu­suporta sa kanila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page