Shoutout sa mga napababayaan na ang kalusugan diyan... ILANG SINTOMAS SA PAGKAKAROON NG BRAIN TUMOR
No Problem

KARAMIHAN sa atin ay madalas makaranas ng pagsakit ng ulo. Madalas, binabalewala natin ito at idinadaan lang sa pagtulog at pag-inom ng pain relievers. Pero, alam ba ninyo na isa sa mga senyales ng pagkakaroon ng brain cancer ay ang pagsakit ng ulo? Hindi lang ‘yan, tol, dahil napakaraming bagay ang hindi dapat binabalewala dahil baka sintomas na ito ng kanser. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
1. PERSISTENT HEADACHES. Nakalulungkot na hindi kaagad natutukoy ng mga doktor kung ang pananakit ng ulo ay dahil lang sa migraine o brain tumor. Ayon kay Dr. Mike Chen ng Department of Neurosurgery sa California, ang pinakapalatandaan lang na masasabi nila ay ang hindi nawawalang pananakit ng ulo.
Aniya, walang ispesipikong uri ng pananakit ng ulo ang makapagsasabing mayroong brain tumor ang tao dahil tulad lang ito ng normal na migraine o pananakit ng ulo. Ang tanging senyales lamang ay kahit anong pain reliever ang inumin ng taong may brain tumor, hindi nawawala ang pananakit ng kanyang ulo.
2. A SUBTLE LOSS OF VISION. Ayon kay Christopher Carrubba, co-director ng Med School Tutors, ang mga taong may brain tumor ay nakararanas ng unti-unting panlalabo ng paningin na hindi kaagad nararamdaman.
3. WEAKNESS AND LETHARGY. Sabi ni Dr. Chen, ang right motor cortex ng utak ay ang kumokontrol sa kaliwang bahagi ng ating katawan habang ang left motor cortex naman ang kumokontrol sa kanang bahagi ng katawan.
Ang taong mayroong brain tumor ay hindi nakararamdam ng pananakit ng mga paa o kamay, ngunit, hindi nila ito maigagalaw dahil sa damage na dulot ng tumor.
Maaaring isang senyales ng brain tumor ang panghihina ng mga binti o paa, ngunit, hindi rin kaagad ito matutukoy ng doktor sapagkat ang panghihina ng mga binti o paa ay maaari rin namang dulot ng kakulangan sa Vitamin D.
4. DIFFICULTY FORMING WORDS. Isa pang sintomas ng brain tumor ay ang pagiging hirap sa pagsasalita o madalas na pagkautal, gayundin, ang pagiging hirap sa pag-aalala ng pangalan o tawag sa mga bagay-bagay.
5. MOODY FEELINGS AND RISKY BEHAVIOR. Ayon sa neurosurgeon na si Dr. Sumeet Vadera, ang taong mayroong brain tumor ay nakararanas ng pagbabago ng ugali, madalas nagiging magagalitin at palaging balisa.
Aniya, madalas ding napagkakamalang “baliw” ang taong mayroong brain tumor dahil sa pagkakaroon ng hindi normal na perspektibo sa mga bagay.
6. LOSS OF HEARING OR EAR RINGING. Nakararanas din ang taong may brain tumor nang unti-unting panghihina ng pandinig na maaaring humantong sa pagkabingi.
Nakalulungkot, ngunit, walang paraan para mapigilan ang pagkakaroon ng brain tumor kaya hindi applicable ang salitang “prevention is better than cure” sa sitwasyon ng mga biktima ng brain cancer.
Ang pagkakaroon ng brain cancer ay maaaring dulot ng hindi maayos na lifestyle, kaya naman iwasang ma-expose sa pesticides o insectides, iwasan ang paninigarilyo at iwasan ding ma-expose sa radiation.
Gets mo?





Comments