Sey ng experts... TOUNGE TWISTERS, GOOD SA BRAIN HEALTH!


“MINEKANIKO ni Monico ang makina nang minica ni Monica”, isa lamang ‘yan sa mga tounge twister na madalas nating ginagamit sa mga laro, eskuwelahan at marami pang iba. Pero, knows ba ninyo na bukod sa nakae-enjoy ang pagbabasa at pagsasalita nito ay may benepisyo rin itong maidudulot sa atin? Weh, ‘di nga?
Ang tounge twister ay nakai-strengthen ng muscles na involved sa ating pagsasalita.
Gayundin, kaya nitong i-improve ang ating coordination kung saan pinaa-activate nito ang parte ng ating utak sa pamamagitan ng pattern-seeking at complex structure.
Gayunman, para sa mga mamshie riyan, kung bet ninyong ma-enhance ang pagsasalita ng inyong mga bagets, make sure na ite-train ninyo sila sa pamamagitan ng tounge twisters kung saan kahit na bumaluktot ang kanilang dila ay oks lang dahil worth it naman ang magiging resulta nito pagkatapos.
Samantala, knows ba ninyo na dahil sa tounge twisters, maraming tao ang gumaling sa pagsasalita ng Ingles? Ito ay dahil naaayos nito ang speech deficiency ng indibidwal kung saan kung bulol ka, eh, may tsansa pa na mabago mo ito. Wow!
Dahil iba’t ibang salita ang ginagamit sa tounge twister, mas tumatalas ang ating memory dahil mas mabilis nating natatandaan ang mga salita, gayundin ang pagkakaiba-iba ng kahulugan nito kahit na ito ay magkakatunog.
Kaya ang payo ng mga dalubhasa, huwag tayong matakot na sumubok ng tounge twisters dahil we never know kung ano ang magandang maidudulot nito sa atin, baka dahil dito mas tumaas pa ang ating confidence, lalo na sa mga gustong maging call center agent.
Kaya, mga beshy, practice is the key! Sa dami ng tounge twisters sa mundo, bumaluktot man ang dila ninyo, for sure, dehins kayo mauubusan ng sasabihin. He-he-he!
Be alert lang palagi para mabigkas ninyo ito nang maayos at hindi kayo pagtawanan ng inyong mga kaibigan o kaklase. Okie?





Comments