Ito rin ‘yung panahon kung kailan ginanap ang Bataan Death March... 5 THINGS NA MAY KINALAMAN SA AR

ARAW ng Kagitingan ngayon o kilala rin bilang Bataan Day, kaya naman para sa mga beshy natin diyan na hindi masyadong nakapag-aaral ng kasaysayan dahil sa modernong panahon at madalas na nakatutok sa cellphone at social media, alamin natin ang mga bagay na may kinalaman sa Araw ng Kagitingan, Bataan Day o Day of Valor:
1. BATAAN DAY. Bukod sa tinatawag itong Araw ng Kagitingan, knows ba ninyo na ito rin ang araw kung kailan nangyari ang “the fall of Bataan”? Kung saan nangyari ang World War II. Dahil dito, tuwing Abril 9, ikinokonsiderang dalawa ang ating ipinagdiriwang.
2. MT. SAMAT. Ito ang malaking krus o tinatawag ding Dambana ng Kagitingan na ipinagawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1966 upang magsilbing lugar para alalahanin kung paano ipinaglaban at ipagtanggol ng mga sundalong Pilipino ang Bataan laban sa mga Hapon, gayundin mayroong museo rito kung saan makikita ang Battle of Bataan at Death March.
3. MAYWOOD, ILLINOIS, USA. Bukod sa Pilipinas, alam ba ninyo na ipinagdiriwang din ang Araw ng Kagitingan sa Maywood, Illinois, USA?
Ito ay dahil ito ang hometown ng ilang miyembro ng 192nd Tank Battalion, USA. Pero, ipinagdiriwang nila ito tuwing ikalawang Linggo ng Setyembre. Woah!
4. 58 YEARS. Noong 1961, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act 3022 na nagdedeklara na ang Abril 9 ay kinikilala bilang Bataan Day, samantalang, noong 1987, sa Executive Order 203 kung saan ini-revised ang lahat ng national holidays sa bansa, ang Abril 9 ay kinikilala na bilang “Araw ng Kagitingan”.
Sa ngayon, 58 taon na nating ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan o Bataan Day kung saan idineklara itong non-working holiday, kaya karamihan sa mga empleyado ay walang pasok.
Gusto n’yo, ‘yun?
5. DEATH MARCH. Kasabay ng “the fall of Bataan”, nangyari ang sapilitang paglalakad nang mahigit 70,000 American at Filipino soldiers kung saan 90 hanggang 112 kilometro silang pinaglakad sa initan mula Bagac, Bataan hanggang Capas, Tarlac.
Dagdag pa rito, marami ang nakaranas ng sakit, kapaguran at pisikal na pang-aabuso, kaya ito pinangalanang Bataan Death March.
Oh, ayan, mga beshy, marahil hindi natin mapapantayan ang hirap na pinagdaanan ng mga Pilipinong sundalo sa kamay ng mga Hapon, pero bilang respeto sa mamamayang Pilipino, pilitin nating maging bayani sa sarili nating pamamaraan kung saan kahit sa simpleng bagay ay tulungan natin ang bayan nang sa gayun ay hindi ito tuluyang maghirap at mapabayaan.





Comments