GF, 1 month magsu-shooting kasama si Alden… PRAMIS NI DANIEL: KATHRYN, BIBISITAHIN SA HK


NAG-TRENDING kahapon sa Twitter ang hashtag na #PabaonKayAlden dahil kahapon ay umalis na pala sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para mag-shoot sa Hong Kong ng kanilang first-ever movie together under Star Cinema.
Nag-post din sa Instagram ang Star Cinema ng larawan ng dalawa habang nasa airport at sa caption ay ibinalita nilang “They’re on their way to Hong Kong.”
Ang pabaon ng mga fans kay Alden ay dalangin na ligtas na pagdating sa Hong Kong at maayos na pagsu-shoot ng pelikula.
Mukhang may pa-send-off nga rin ang mga fans kay Alden dahil may mga larawan din ang aktor na kasama ang kanyang mga tagahanga sa airport.
“Prayers for a safe trip & stay at HK. We will miss you but we know you’ll be having a great experience working there! Take care of yourself,” tweet ng isang fan at marami pang tweets na halos ganito rin ang mensahe.
This just goes to show na suportadung-suportado ng mga fans (partikular na ang Aldenatics) ang KathDen team-up at mukhang tanggap na rin ng iba na goodbye muna sa AlDub love team nina Alden at Maine Mendoza.
Tweet ng isang fan, “‘Yung AlDub phenom is just the start, eto na ang biggest break mo, working with a caliber team. I know you will shine in this movie. It’s worth the wait dude. Galingan mo.”
Mensahe naman ng isa pang supporter, “Stay positive and we will pray for you for the successful movie and take care and good luck and always pray and stay healthy we are here for you to support you and safe trip and we’ll appreciate your hard work when the movie is shown. God bless RFJ.”
Isang buwang mananatili sa Hong Kong sina Alden at Kathryn at sey nga ng aktres sa kanyang latest interview, bibisitahin daw siya ng boyfriend na si Daniel Padilla sa shoot.
“Ngayon pa lang nagkaka-sepanx na kami (ni Daniel). Pero sabi niya, bibisitahin niya ako ru’n. He’s very supportive,” sey ni Kathryn base sa tweet ni MJ Felipe ng ABS-CBN.





Comments