top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag-singil sa kuryente, kasado na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2019
  • 1 min read

GRABE na talaga ang init ng panahon, ayaw na sana natin itong mas painitin pa pero, mukhang hindi naman maiiwasan.

Ito ay matapos ianunsiyo ang halaga ng ipatutupad na dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril.

Panahon kung kailan napipilitan tayong mag-electric fan o mag-aircon.

Batay sa abiso ng Meralco, may dagdag na P0.0633 bawat kilowatt hour sa kanilang singil sa kuryente na magre-reflect ngayong April bill.

Ang naturang dagdag ay katumbas ng P12.60 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

P18.90 para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan.

P25.20 na dagdag para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan at P31.50 para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.

Nauna nang nagbabala na magdudulot ng dagdag sa generation charge ang sunud-sunod na pagtataas ng yellow alert sa Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente.

Tulad ng inaasahan, wala naman tayong magagawa kundi ang mag-adjust.

Kahit ang gobyerno, mukhang tali ang mga kamay pagdating sa paniningil ng pribadong kumpanya sa mga serbisyo sa publiko.

Sadyang napakahirap lang talagang magtipid ngayong pana­­hong napakainit at ang mga bagets ay nakabakasyon at tamang tambay lang sa bahay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page