top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

TRACKSTERS FIL-FOREIGN CRAY AT KNOTT SA ASIAN ATHLETICS

Clyde Mariano
Apr 8, 2019
1 min read

MAKARAAN ang ma­tagumpay na kampanya sa katatapos na Singapore Open Athletics, muli na­mang mapalalaban sina Filipino-Americans Eric Shauwn Cray at Kristina Knott kasa­ma ang home grown talents sa mga bigatin sa prestihiyo­song Asian Athletics Cham­pionship na aarangkada sa Abril 21 sa Qatar.

Mataas ang morale sa panalo nila sa Singapore, ma­kikipagsabayan sina Cray at Knott at ang mga SEA Games-bound na mga Pinoy sa mga kalabang ga­ling sa mahigit 40 na bansa sa torneong “The Olympic of Athletics in Asia” sa li­mang araw na event na may basbas ng Asian Athle­tics As­sociation na pinamu­mu­nuan ni Gen. Dahlan ng Kuwait kung saan si PATA­FA president Philip E. Juico ang nahalal na vice president sa ginawang eleksiyon sa China.

Kalahok din ang mga bansa sa Asia-Pacific, ang Papua New Guinea, Maria­nas Island, Solomon Island, Micronesia at Maldives. Trinangkuhan ni Cray ang kanyang team sa 4x100m relay at dinomina ni Knott ang 200m sa Singapore Open kung saan nanalo ang 29-anyos El Paso Texas-based na si Cray ng dala­wang ginto sa 100m at 200m at tinanghal bilang “King of Sprint” sa 2015 SEA Games matapos ma­ma­yani sa fo­reign-flavoured National Open sa Ilagan, Isabela.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page