top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sori na lang sa ibang aktres… KATHRYN, IPINAGSIGAWAN NA SI ANGEL LANG ANG KARAPAT-DAPAT SA DARNA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TILA takot naman ang mga female celebrities na gampanan ang Darna role. Nauna na kasing tumanggi rito ang aktres na si Angel Locsin dahil sa problema niya sa kanyang likod.

Noong 2017, inanunsiyo ng ABS-CBN at Star Creatives na si Liza Soberano na ang gaganap sa role at pinaghandaan naman ito ng aktres dahil sumabak na siya sa iba’t ibang trainings.

Makalipas ang dalawang taon, inanunsiyo nga ni Liza na hindi na niya magagampanan ang role na Darna dahil nagkaroon siya ng injury sa index finger nang matamaan ng espada sa taping ng Bagani kaya na­durog diumano ang buto ng daliri niya at kinailangan niyang sumai­lalim sa operasyon at therapy.

Samantala, maingay na lumitaw ang pangalan nina Pia Wurtzbach, Nadine Lustre, Maja Salvador at Kath­ryn Bernardo na posibleng gu­manap para sa role.

Kahit na ipinu-push na ng madlang pipol ang kanilang pangalan, muk­hang inaayawan din nila ito, tulad nga ni Nadine na umaming may ibang mas deserving na maging Darna.

“It’s not for me,” ang naging pa­hayag ni Kathryn nang mata­nong kung gugustuhin ba niyang gam­pa­nan ang Darna role.

Naniniwala si Kathryn na dapat ibigay ang Darna role sa isang mature na aktres.

“Personally, Darna is such an iconic role. Alam mo, dream lahat ng babae siguro na maging si Darna, pero, siguro, it’s not for me kasi hindi porke’t gusto mo ‘yung role, puwede siya sa iyo, eh,” pahayag ni Kathryn.

Dagdag pa niya, “For me, may binabagayan siya, and ‘yung nai-imagine, napi-picture ko as Darna is someone who’s a bit older than me. Someone na parang mas woman. Woman na talaga.”

Pagdidiin ni Kathryn, “Ewan ko, maybe... hindi ko alam. I don’t think it’s for me kasi sobrang bigat ng Darna.”

At para sa kanya, ang aktres pa rin na si Angel Locsin ang nai-imagine niya bilang si Darna kahit na ilang beses na itong tumanggi sa role.

Aniya, “And kapag sinabi mong Darna, parang nai-imagine ko talaga ngayon si Ate Angel.”

Inamin din ni Kathryn na wala pa siyang ideya kung sino ang karapat-dapat na gumanap bilang si Darna.

Aniya, “Kung tatanungin nila kung sino ‘yung perfect for the next role, I don’t know. Kahit ako, iniisip ko, sino pa ba ‘yung puwede after Ate Angel?

“And hindi ko alam kung sino, so whoever man mapili for the role, kailangan talaga, sobra-sob­rang paghandaan. Bigyan ng maraming training kasi hindi biro ang Darna.”

Bilang fan ni Darna, buo naman ang suportang ibibigay ni Kathryn sa mapipiling aktres na gaganap para sa role dahil para sa kanya, “Siya ang nagre-represent ng woman empowerment sa atin and yeah, we’ll support her kung sino man siya.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page