For sure, marami ang makare-relate rito, besh! MGA BAGAY NA PINAGDARAANAN NG MGA BREADWINNER

SHOUTOUT sa mga anak diyan na tuluyan nang naging breadwinner o provider sa kani-kanilang pamilya — saludo kami sa inyo! Pero, bago kayo humataw sa trabaho para makapag-provide, break muna kayo at basahin ang ilang sitwasyon na siguradong makare-relate ang bawat isa sa inyo. Kaya mga lodi, narito ang anim na bagay na pinagdaraanan ng bawat breadwinner o provider:
1. LIFE AFTER WORK ISN’T REAL. For sure, nagkakayayaan kayo ng workmates mo na lumabas tuwing Friday night dahil ito ang isang paraan ng pag-a-unwind.
Pero, dahil bukod sa pagiging provider of your own needs, provider ka rin sa pamilya mo kung saan ang budget ang nagiging hadlang dahil lahat ng gagastusin mo bago mag-payday, eh, naka-budget na kaya nagpa-pass ka muna. Well, kung sasama ka naman, dapat planado ang lakad mo para makapag-ipon ka. Agree?
2. EVERY PESO MATTERS. Siguradong umaabot sa punto na walang natitira sa suweldo mo, minsan, eh, nagkakautang ka pa. Agree?
Kaya kung may natitira pa sa suweldo mo, barya man o limandaan, sobrang saya mo na kasi puwede mo itong ipandagdag sa allowance o savings mo.
Gayundin, puwede mo itong gamitin pang-foodtrip o pambili ng ‘reward’ sa iyong sarili. Don’t worry dahil deserve mo ‘yun!
3. YOU GET HACKS FROM FELLOW BREADWINNERS. Madalas kang kino-comfort ng workmates mong kapwa mo breadwinner, ‘yung iba naman, eh, napagdaanan na ‘yung dinaranas mo kaya nagbibigay sila ng tips sa iyo para malampasan mo rin ‘yan. Minsan, ikaw ang nakadidiskubre ng tips kaya isine-share mo sa kanila. ‘Ika nga nila, sharing is caring!
4. NECESSITIES OVER LIABILITIES. Dahil marunong ka nang mag-budget, alam mo na rin ang pagkakaiba ng luho at pangangailangan.
Halimbawa, may gusto kang damit sa international brand, pero mas pipiliin mong bumili sa tiangge o ukay-ukay dahil dito, siguradong mas marami kang mabibili sa budget na mayroon ka.
5. YOU PRIORITIZE YOUR FAMILY’S NEEDS OVER YOURS. ‘Yung tipong kahit gaano katindi ang pangangailangan mo, kapag humirit si bunso ng “ate/kuya, may project ako” o si mama ng “anak, kailangan kong bumili ng pang-maintenance ko”, wala na, finish na, besh!
Mapabubunot ka na lang ng pera sa wallet mo para may ipambili sila ng mga pangangailangan nila. Rito ka makare-relate sa paboritong linya ni nanay na “isusubo ko na lang, ibibigay ko pa sa inyo”, tama ba?
6. YOUR SAVINGS ISN’T MOVING UP. Siguradong maraming relate rito. Labas lang nang labas ng pera, pero, walang naitatabi dahil sa dami ng dapat i-prioritize. Hu-hu-hu! Ikaw ang madalas na nauutangan kung saan ang utang ay nagiging hingi, lalo na kapag si mama ang nanghiram.
Nakahihiya ring maningil dahil for sure, maririnig mo ang mga katagang “gusto mo bang malaman kung magkano lahat ng nagastos ko sa iyo mula nu’ng ipinanganak kita?”, ‘yun lang!
Relate ka ba sa mga nabanggit, beshy? Don’t worry dahil darating din ang panahon na ang lahat ng sakripisyo mo ay matatawag mong “worth it”. Laban at kapit lang dahil malalampassan mo rin ‘yan, beshy!
Gets mo?





Comments