Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA TULONG NA GINAWA NI SIMON KAY KRISTO
- BULGAR

- Apr 8, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon kung paano mapananatili ang mga orasyon na buhay na buhay at gumagana ang kapangyarihan.
Tulad ng nasabi na, alam ni God na ang tao ay makasalanan, pero hindi dahil sila ay makasalanan ay hindi na sila makagagawa ng kabutihan o kabanalan.
Kaya ang sinumang may taglay na orasyon ay kailangang gumawa ng kabanalan o kabutihan sa kapwa.
Nabanggit na natin ito noong nakaraan, pero ngayon ay isa-isa nating aalamin ang mga bagay na kabilang sa gawaing kabanalan sa kapwa.
1. Kapag may nauuhaw, bigyan mo ng maiinom, ito mismo ang nakasulat sa Banal na Aklat.
2. Kapag may nakita kang gutom, pakainin mo.
3. Kapag may nakita kang giniginaw, bigyan mo ng kumot.
4. Kapag may nakita kang nahihirapan, makibahagi ka sa kanyang hirap na pinagdaraan.
Muli ang tao ay nakagagawa ng kasalanan, minsan nga ay sobrang laking kasalanan pa, lalo na kapag sobra sila sa paghahangad ng mga materyal na bagay. Mababasa sa kasaysayan mismo ni Kristo na Siya ay hirap na hirap ng pasanin ang krus ng kaligtasan kung saan Siya ay tinulungan ng isang lalaki na ang pangalan ay Simon Cinereo.
Si Simon ay tusong negosyante na kung may patubo sa kanyang negosyo na sobrang malaki at siya ay may pautangan, talo pa niya ang mga Bumbay at maaaring pumapangalawa siya sa mga Pinoy na ang negosyo rin ay pautang.
Habang pasan-pasan ni Kristo ang krus, si Simon ay nakatayo sa malayo at inoobserbahan ang mga tao kung sino sa kanila ang puwede niyang matuso dahil siya ay magaling mang-uto.
Pero, ang mga mata ni Simon ay nakatutok kay Kristo habang pasan nito ang krus. Kahit ang suot na damit ni Simon ay damit ng mayaman, hindi niya naiwasang lumapit kay Kristo at siya na mismo ang pumasan sa krus ng kaligtasan.
Nagawa niya ito sa kabila nang mahigpit na pagbabantay ng mga mababagsik na sundalong Romano at Jews. Dahil kilala siya ng matataas na opisyales na naghahari sa lupain ng mga Hudyo, hinayaan na lamang siyang pasanin ang krus.
Tulad ni Kristo, halos mahubaran ng damit si Simon dahil bumabagsak din siya sa lupa, pero muling nakatatayo at muli ring nadarapa.
Binabato rin siya ng mga tao, kaya hindi lang mga bukol ang kanyang napala kundi mga sugat sa katawan na halos wala na ring pagsidlan.
Hindi rin siya umaangal at narereklamo dahil tahimik lang siya habang duguan kung saan naghahalo rin ang pawis at dugo, ito ay umaagos sa kanyang katawan. Hindi siya nagagalit sa mga tao kahit minumura na siya.
Nangyari ang ganitong masaklap na senaryo dahil si Simon na may pasang krus ay halos naging larawan na ni Kristo sa dinaranas Niyang hirap.
◘◘◘
“Pater Deus Salvum Me Fac Ex Oculo Fascinante”, ito ang mabisang orasyon para hindi mabiktima ng mga taong may tinatawag na “the evil eye”.
(Itutuloy)




Comments