top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya make sure na gagawin ninyo ito para all good kayo... TIPS PARA MANATILING FRESH NGAYONG TAG-INI

  • Donna Thea Topacio
  • Apr 7, 2019
  • 2 min read

FEELING asar ka ba, beshy, dahil sa init ng panahon? Naku, it’s a tie da­hil nakaiinis naman talaga ‘yung paki­ramdam na nanlalagkit at pawis na pawis ka. Hays! Pero, para maso­lus­yu­nan natin ang problemang ito, na­rito ang ilang paraan para manatiling fresh ngayong tag-init:

1. USE DEODORANT. Minsan, hindi na kinakaya ng simpleng pagligo ang pagpapawis natin, kaya hindi big deal kung susubukan din ninyong maglagay ng deodorant. Basta, pipili kayo ng mabango at hindi ‘yung mas nakadaragdag lang ng baho sa inyong kilikili.

2. TAKE A BATH EVERYDAY. Of course, kung gusto ninyong maging ma­­bango, dapat maligo kayo araw-araw, lalo na ngayong grabe ‘yung tirik ng araw. Huwag tayong tamarin dahil kapag tinamad ka, for sure, babaho ka. Eww!

3. DRINK PLENTY OF WATER. Mainam kung iinom tayo ng tubig kung kinakailangan dahil nakatu­tu­long ito upang ma-refresh tayo. Ga­yundin, maiiwasan natin na ma-de­hydrate. Copy?

4. WEAR A CLEAN CLOTHES. Iwasan natin ang magsuot ng damit na hindi pa nalalabhan o kaya ay ‘yung dalawang beses nang ginamit. Hindi sa pag-iinar­te, pero hindi ito nakabubuti sa ating hygiene.

5. BRUSH YOUR TEETH. Bukod sa paliligo, dapat ay nag­sesepilyo rin tayo dahil ang pag­­kakaroon ng bad breath ay de­hins nakabubuti para sa ating kalusugan.

6. USE PERFUME. Para madagdagan ang effect, kaila­ngan maglagay din tayo ng pa­bango na nakaa-attract sa tao. Sa paglalagay nito, make sure na hindi tayo OA para hindi mas­yadong matapang. Okie?

7. USE MOISTURIZER. Ang paglalagay ng moisturizer ay naka­gaganda ng balat, lalo na ngayong summer dahil balat natin ang pani­guradong kawawa. Hu-hu-hu!

8. HAVE A WET TOWEL. Keri itong panlaban sa stroke at heart at­tack, gayundin sa lagkit. Kaya dapat palagi tayong may dala-dala nito saanman tayo pumunta, mga be­shy!

Kaya mga beshy para iwas-lapot at lagkit, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito, ha?

Have a refreshing summer, mga beshy!

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page