PWD timbog sa bigong rape
ILOILO—Isang PWD (person with disability) ang inaresto ng pulisya dahil sa ginawa nitong tangkang panggagahasa sa isang dalaga, kamakalawa sa bayan ng Mina sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na pipi at bingi na nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Nelda”, nag-iisa siya sa kanilang bahay nang pumasok ang suspek at pinagtangkaan siyang gahasain, pero nanlaban ang biktima kaya ginulpi siya ng rapist na PWD.
Habang ginugulpi ay humingi ng saklolo si “Nelda” sa kanilang mga kapitbahay na agad namang tumawag ng pulis kaya naaresto ang suspek.





Comments