Pahiwatig na ibaon na sa limot ang hindi magagandang karanasan

Salaminin natin ang panaginip ni Jag ng Jag_ Lacton_Dela_Cruz@face-book.com
Dear Professor,
Palagi akong nakakikita ng kabaong, pero hindi ko alam kung sino ang nasa loob nito.
Ilang ulit ko na itong napanaginipan. Ano ang ibig sabihin nito?
Dagdag pa rito, totoo ba na kapag nanaginip ka ng bata na umiiyak, may mamatay daw sa pamilya?
Naghihintay,
Jag
Sa iyo Jag,
Kapag ang napanaginipan mo ay kabaong, ang nanaginip ay dapat suriin ang kanyang sariling buhay at alamin kung may kailangan siyang ibaon sa limot.
Napansin mo ba, Jag, ang salitang “ibaon”? Ito ang nagpapaalala sa nanaginip na muli niyang ibaon sa limot ang pangyayari na kadalasan ay hindi magagandang karanasan.
Ang mga yumao ay inilalagay sa kabaong, hindi ba? Napansin mo ba ang salitang “yumao”, ibig sabihin, aalis na, mawawala at hindi na makikita pa. Ito rin ay nagsasabing ang yumao, tao, bagay o pangyayari ay dapat ng hayaang umalis.
Ang ganitong katotohanan ay para sa pag-aanalisa ng mga panaginip tungkol sa kabaong.
Pero, ang mahalaga sa panaginip ay ang ayon sa iyo na ilang ulit mo na itong napanaginipan na ang gustong bigyang-diin ay wala namang aktuwal na namatay, kaya ang kabaong sa panaginip mo ay object of dreams lang naman.
Ang panaginip na may umiiyak na bata ay hindi agad-agad nangangahulugang may mamamatay. Maaaring minsan, nagkataong may nanaginip na umiiyak ang bata at may namatay sa pamilya ng bata.
Mas magandang ang bata mismo ay obserbahan dahil maaaring siya o ang bata ay may sakit o karamdaman at ang isa pang mabuting gawin ay ang patingnan siya sa tunay na doktor kung ano ang kalagayan ng kanyang kalusugan o katawan.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments