Malinaw ayon sa birthday... BINATANG NAKATAKDANG MAPANGASAWA ANG KASALUKUYANG GF
- BULGAR

- Apr 6, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
May girlfriend ako ngayon na tawagin na lang nating Mikaela na isinilang noong November 8, 1991 habang June 29, 1990 naman ang birthday ko.
Itatanong ko kung siya na ba ang makatutuluyan ko at kung compatible ba kami? Kung kami na ang magkakatuluyan, magiging maligaya kaya at maunlad ang aming itatayong pamilya? Gusto ko ring humingi ng masusuwerteng numero dahil madalas din akong tumataya sa lotto.
Umaasa,
Darius ng Bagumbayan, Taguig City
Dear Darius,
Ayon sa zodiac sign mong Cancer, tunay ngang compatible kayo ni Mikaela na isinilang sa zodiac sign na Scorpio sapagkat ang Scorpio at Cancer ay may iisang tinataglay na elemento — ang elementong water o tubig.
Habang, ang birth date na 8 ni Mikaela na strong number ay nagkataong tugma rin sa weak number mo na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2).
Ibig sabihin, sadyang tugma talaga kayo sa pag-aanalisang pang-Numerology at Astrology na nangangahulugang darating ang saktong panahon na kayo na nga ang magkakatuluyan.
Samantala, bukod sa numero mong 29 at sa numero ng girlfriend mong si Mikaela na 8, mapalad din kayo sa mga numerong may sumatutal na 1, 2, 7 at 8 tulad ng 1, 10, 19, 28, 11, 20, 29, 38, 16, 25, 34, 43, 17, 26, 35 at 44. Puwede rin ninyong subukan ang mga numerong 1, 18, 23, 27, 34 at 40, gayundin ang 6, 17, 22, 31, 38 at 42. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Quabbalistic of Numbers: 1732, 1472, 1643 at 9081.
Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap kayo ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mineral water o anumang produktong likido.
Puwede rin ‘yung lotto outlet na malapit sa tindahan ng mga gulay o kaya naman ay lotto outlet na may babaeng teller na naka-red at may mahabang buhok. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng malaking halaga, sa taong 2021, sa edad mong 31 pataas.




Comments