Ex-soldier nagpaputok ng baril, tiklo
- Pabs Hernandez III
- Apr 6, 2019
- 1 min read
CAPIZ—Isang dating sundalo ang dinakip ng pulisya makaraang magpaputok ng baril, kamakalawa sa Bgy. Agloloway, Jamindan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Albert Nicolas, umano’y dating sundalo ng Philippine Army (PA) at residente sa nasabing bayan.
Nabatid na dala ng labis na kalasingan ay nagpaputok ng baril sa ere si Nicolas at sa takot ng mga residente sa naturang barangay ay ini-report nila ito sa pulisya kaya dinakip ng mga awtoridad ang suspek na nakumpisakahan ng kalibre .45 pistola at mga bala.
Nakapiit na si Nicolas na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments