Showbiz, nilayasan… CHIN-CHIN, MADRE NA

Beth Gelena / BULGARY FILES

ANG dating sikat at mahusay na aktres nu’ng ‘90s na si Chin-Chin Gutierrez ay isa na palang ganap na madre.
Nag-retire siya sa showbiz nu’ng 2010. Pero nu’ng active pa siya ay kaliwa’t kanan ang mga proyektong kanyang ginagawa dahil isa siya sa mga de-kalibreng aktres na hindi matatawaran ang pag-arte.
Naiba ang kanyang mundo nang maging environmentalist siya at resource speaker.
Kalaunan ay iniwan ni Chin-Chin ang magulong buhay sa industriya na kanyang ginagalawan. Isa na siya ngayong Franciscan nun sa Carmelite Convent.





Comments