Kahit pinuntahan daw ng BF sa Baguio… POLO, BILIB NA BILIB NA VIRGIN PA SI KIRAY
- BULGAR
- Apr 5, 2019
- 1 min read

NATUWA at na-excite si Polo Ravales nang i-offer sa kanya ang pelikulang Portrait of My Love at malamang si Kiray Celis ang makakapareha niya.
Aniya ay sobrang funny kasi ni Kiray bukod pa sa magaling na komedyana at first time raw niyang maipa-partner sa isang comedienne.
Sa set nga raw ay parati silang nagkukulitan at nagtatawanan.
“Parati niyang hinahawakan ang chest ko,” kuwento ni Polo nang makatsikahan namin sa premiere night ng movie.
“Naaaliw siya, mas malaki raw ang chest ko sa kanya, so, tuwang-tuwa siya.”
When asked kung may possibility bang magustuhan niya si Kiray, sabi ni Polo, “Bakit naman hindi, mabait naman si Kiray? Nakakatawa siya, no dull moment with her, so why not?”
Pero ang alam ni Polo ay may boyfriend si Kiray na inaamin na rin naman ng komedyana sa mga interviews. Minsan daw ay dumalaw ang guy sa shooting nila sa Baguio pero hindi niya nakita.
Pabirong natanong si Polo kung nararamdaman ba niyang may malisya ang paghawak ni Kiray sa dibdib niya, at ayon sa aktor ay wala naman.
“Saka, ang alam ko, virgin pa ‘yung tao, eh. Sabi niya,” sambit ni Polo.
Dalagang Pilipina naman daw ang pagkakakilala niya kay Kiray kaya naniniwala naman siyang virgin pa ito kahit may BF ito.
“Parati niyang kasama ‘yung mommy niya, ‘yung family niya, so I think, walang ano. Gusto niya kasi, kasal muna. Hayaan natin ‘yung gusto niya,” he said.
Ang Portrait of My Love ay produced ng RJ7 Films.
Comments