top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Daliri, nabali raw… LIZA, ATRAS NANG MAG-DARNA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2019
1 min read

GINULAT ni Liza Soberano ang lahat nang sa panayam sa kanya ni MJ Felipe na ipinalabas kagabi sa TV Patrol, ini-announce niyang nag-backout na siya sa sana’y biggest movie project niyang Darna na una na ring inatrasan ni Angel Locsin.

Ang fracture sa kanyang daliri na nakuha niya sa taping ng Bagani ang ibinigay na dahilan ni Liza kaya hindi na niya magagawa ang Darna.

Kinailangang lagyan ng bakal ang daliri ni Liza dahil sa fracture at iniinda ito ngayon ng aktres.

Masakit man sa loob ni Liza at napaiyak pa ito sa interbyu, aniya, ayaw naman niyang maging dahilan siya ng pagkaka-delay ng shooting ng Darna.

Well, ang tanong ngayon, ano na ang mang­yayari sa Darna movie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page