Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGBIBIGAY-HALAGA SA MGA BANAL NA ORASYON
- BULGAR

- Apr 5, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mahahalagang bagay para ang mga Banal na Orasyon ay mapanatiling buhay.
Tulad ng naipangako natin noong nakaraan, dito sa ating kolum ay ibabahagi natin ang very powerful divine prayers o ang mga orasyon sa wikang Latin.
Magandang ipaabot sa lahat na ang mga orasyon ni Señor Socrates Magnus ay subok ng mabisa at very powerful na pinatutunayan ng mga nabigyan o naturuan na.
Maraming orasyon ang nagkalat dito sa bansa natin na tinawag ng may-ari na Latin, pero sa totoo lang, hindi naman mga Latin kaya ang ganu’ng mga orasyon ay walang bisa dahil nakakapit ito sa maling paniniwala ng gumamit, nagturo o nagbigay ng mga orasyon.
Tulad din ng nakasulat sa Sagradong Aklat na sinasabing sa huling mga araw ay maglalabasan ang mga bulaang propeta, ang mga bulaan o fake na mga orasyon ay maglalabasan din at madaraya ang marami, gayundin ang mga hirang.
Kaya pinag-iingat ang lahat dahil maaaring madaya ng mga fake na nag-aakalang sila ay may banal na kapangyarihan na nakakapit sa mga banal na orasyon.
Bago ang lahat, tanggap ni God na ang tao ay nagkakasala, nagkakamali at hindi naisasabuhay nang tuluy-tuloy ang paggawa ng kabutihan o kabanalan.
Muli, ang mga orasyon ay banal at dahil dito, obligado ang tao na gumawa ng kabanalan kahit siya ay itinuturing na makasalanan. Ito ay lubhang kailangan nang sa gayun ay mapakinabangan ang mga orasyon ni Señor Socrates Magnus na ating ibabahagi hanggang sa huling araw ng Holy Week tulad ng ating ipinangako.
Ang isa sa mga Banal na Utos ay ang mahalin mo ang iyong kapwa. Kaya mahalin mo ang iyong kapwa ng mapakinabangan mo ang mga orasyon na ating ibabahagi. Sa Banal na Utos na mahalin mo ang iyong kapwa , ang mga mahal natin sa buhay ay hindi ang ating “kapwa”.
Sinu-sino ang iyong kapwa?
Ito ay ang ibang tao.
Hindi mo kaibigan.
Kakilala mo, pero hindi mo kadugo o kapamilya.
Hindi ka kilala.
Alam mong nangangailangang mapakitaan ng kabutihan o pagmamahal.
Hindi na kailangan pa na sila ay lumapit sa iyo para lang tulungan o pakitaan mo ng mabuti o maganda.
Hindi rin kailangan nang todong tulong dahil ang tulong lang na kailangan ay ang pagtulong na masaya ang loob ng tumutulong.
Simpleng tulong lang basta masaya kang tumutulong ay sapat na.
Samantala, ang orasyon para sa mga magta-travel o pupunta sa malalayong lugar, mamamasyal man o may mahalagang bagay na kailangang gawin ay “Omnipotens Protegas Me in Peregrinatione Mea”.
(Itutuloy)




Comments