top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tatlong dekada sa showbiz... JIM, SINIRA ANG PANGALAN AT IMAGE NG APO HIKING SOCIETY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

HOT item pa rin ang sex video scandal ni Jim Paredes, ang isa sa sikat na trio na APO Hiking Society.

Marami sa kanilang mga fans ang dismayado sa kanyang ginawa. Kung kailan daw ito tumanda at nagretiro ay saka pa gumawa ng ganu’ng iskan­dalo na nakasira sa kanyang imahe at pangalan.

Inidolo pa naman siya noon ng mga kabataang mahilig sa musika. Ang taas-taas ng respeto noon sa APO Hiking Society. Mahigit na tatlong deka­dang nagmarka sa publiko ang musi­kong kanilang nilikha.

Pero, sa isang iglap ay nagbago ang senaryo. Bagama’t inamin ni Jim ang kanyang pagkakamali, hindi sapat ‘yun upang mabura sa isipan ng publiko ang kumalat na maiskandalong sex video niya.

Kahit saan siya magpunta ngayon, ‘yun na ang magiging marka niya sa tao. Ano kaya ang saloobin ng mga ka­samahan niya sa APO na sina Bu­boy Garovillo at Danny Javier?

Well, kung sana ay hindi nagretiro sa music scene si Jim, eh, marami pa siyang makabuluhang bagay na maga­gawa. At marami siyang mapaglili­ba­ngan kesa gumawa ng sex video na sumira sa kanyang pangalan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page