top of page

Shoutout sa mga may trauma riyan sa love life... 5 REASONS KUNG BAKIT IMPORTANTE ANG MAGMAHAL AT MAH

  • Ms. Donna
  • Apr 4, 2019
  • 2 min read

NASUBUKAN mo na bang ma-in love, besh? Yiiee, ang saya, ‘di ba? He-he-he! Sa totoo lang, kapag in love ka, mixed emotions ang iyong mada­rama kung saan darating ‘yung sitwasyon na malulungkot, maga­galit, magtatampo at iiyak ka. Pero, of course, mas lamang ang pagiging masaya, kaya narito ang 5 reasons kung bakit importanteng magmahal at mahalin:

1. IT MAKES YOU A BETTER PERSON. Pansin ba ninyo na mas naggo-grow kayo kapag nagka­karoon kayo ng GF, BF o asawa? Ito ay dahil natututo kayong magpahalaga sa feelings ng iba dahil kung paiiralin pa rin ninyo ang inyong ugali na hindi maganda, malamang na wala ng magma­mahal sa inyo maliban sa Diyos.

2. IT ENCOURAGE YOU TO DO GOOD. Tulad ng paggo-grow, guma­gawa na rin kayo ng mga bagay na maganda na hindi ninyo nagawa nu’ng kayo ay nag-iisa. Ito ay dahil maaaring na-adapt mo ang ugali ng inyong partner o kaya ay sadyang nagpapakitang- gilas ka lang sa kanya. He-he-he! Char! Pero, good ‘yan dahil ibig sabihin, good influence siya sa iyo. Naks!

3. IT MAKES YOU BLOOMING. Uy, sana all! Madalas nating naririnig sa ating mga kaibigan ang katagang “iba talaga kapag may love life, blooming”! Ganu’n, ‘yun, besh, sigurado ito dahil natu­tuto tayong mag-ayos at madalas na tayong maka­ramdam ng saya na nagre-reflect sa ating pisikal na hitsura. Bongga!

4. YOU’LL REALIZE THE IMPORTANCE OF LIFE. Kung dati, eh, pamilya lang ang inspirasyon mo para mabuhay, ngayong nadagdagan na dahil sa iyong special someone, mare-realize mo kung gaano kasayang mabuhay dahil gusto ninyo silang makasama hanggang sa pagtanda o habambuhay. Ganern!

5. YOU’LL LEARN HOW TO BE PATIENT. Importante na marunong tayong mag­hintay dahil dito nasusukat kung gaano natin kamahal ang tao, sa paghihintay mas napararamdam natin na mahalaga at mahal natin sila. Dagdag pa rito, dahil humaba na ang pasensiya ninyo, magagamit din ninyo ito sa iba pang mga bagay na ginagawa ninyo sa araw-araw. Wow!

Oh, ayan, mga besh, huwag kayong matakot na sumugal at magmahal dahil for sure, kapag natagpuan na ninyo si “the one”, worth it ang ii-invest ninyong feelings.

Wow!

Kaya love, love, love, mga besh!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page