top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa mga gustong kumita ngayong bakasyon, read n’yo ‘to!  TIPS PARA MAGING ONLINE SELLER

  • DONNABELLS
  • Apr 4, 2019
  • 2 min read

BET mo ba ng raket, besh, why not try na maging online sel­ler? Usung-uso ‘yan ngayon dahil marami sa atin ang nawawa­lan na ng time mag-shopping kaya inter­net na lang ang gina­gamit para makapa­mili ng mga gamit na gusto nilang bilhin. Alamin ang mga paraan upang maging online seller:

1. PICK YOUR INTEREST. Sa umpisa kailangan muna nin­yong mamili kung ano ang bagay na ititinda ninyo, puwedeng damit, bag, relos at marami pang iba. Pero, ang maipapayo namin sa inyo, mas mainam kung kakaiba sa lahat nang sa gayun ay tangkilikin talaga ito ng mga suki sa online. Ganern!

2. HAVE A CAPITAL. Kailangan nin­yong magkaroon ng puhunan dahil kung wala kayo nito, paano kayo makapagsisi­mula? Hmmm… hin­di naman importante kung malaki dahil sa panahon ngayon kapag marunong kang du­miskarte, for sure, aasenso ang iyong ne­gosyo. ‘Yun, oh!

3. SELL TO YOUR FRIENDS. Sa pag­kakataong nagtitinda ka na, make sure na ang malalapit sa iyong buhay ang una mong pagbebentahan nang sa gayun ay maiendorso nila ito sa mga kaibigan nila na hindi mo kaki­lala. Kapag nagkaroon ka na ng mga suki, tiyak na magiging legit online seller ka na. Wow!

4. PERSEVERANCE IS THE KEY. ‘Ika nga, kapag may tiyaga, may nilaga! Kung wala ka nito, kailangan mong mag-isip nang mabuti kung itutuloy mo pa ang pagiging online seller dahil sa business na ito, parang madali lang at mabilis ang pe­ra, pero ang totoo, sipag at tiyaga lang ang puhunan para lalo itong luma­go at umunlad.

5. JOIN SOCIAL MEDIA GROUPS. Pansin ba ninyo na marami na kayong napanonood na nagla-live ng kanilang mga ibinebentang produkto? Kaya minsan nakaiinis nang magbukas ng social media, pero kahit ganu’n marami pa rin sa atin ang nahuhumaling kung saan wala ng nagawa sa maghapon kundi ang manood nang manood. He-he-he! Malay ninyo sa susunod kayo naman ang panonoorin ng ibang tao. Nice!

Oh, ‘di ba, easy lang ang maging online seller? Pero, mag-ingat pa rin kayo sa mga “joy/bogus buyer” o ‘yung umo-order, pero hindi naman binaba­yaran kasi wa­lang pera. ‘Yun lang!

Maging matalino sa pagiging raketera, mga lodi!

Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page