Kemikal na gamit sa paggawa ng pampasabog inihalo sa lugaw 23 KINDER STUDENTS, NILASON NI TITSER
- Jersey Sanchez
- Apr 4, 2019
- 1 min read
ARESTADO ang kindergarten teacher sa China matapos lasunin ang 23 estudyante nito.
Batay sa impormasyon, ang mga biktima ay pawang mag-aaral ng Mengmeng Kindergarten sa Jiaozuo City sa Henan Province.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nilagyan ng suspek ng nitrate ang ipinakain nitong arozcaldo sa mga biktima.
Gayunman, mabilis na naitakbo sa pagamutan ang mga estudyante habang nakaranas ang mga ito ng pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Ang nitrate ay ginagamit sa fertilizers, food preservations, gayundin sa pampasabog.





Comments