top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Ka-tie ng KathNiel sa award… VICE, NO SHOW SA AWARDS NIGHT

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2019
2 min read

May mga nababasa akong comments na nalu­lungkot ako, hindi lang para sa akin kundi para sa maraming tao na hanggang ngayon, sa panahon na ito ay ganu’n, ang sad for them.

“Hopefully, masaya lang ang lahat para sa isa’t isa. Ganu’n talaga ang buhay. Actually, I feel bad for us, pero mas nalulungkot ako para sa kanila, sa hate at sa mga bagay na ‘di nila nai­in­tindihan,” ang naging mahabang pahayag ni Vice Ganda tungkol sa naging mensahe niya nu’ng nakaraang birthday celebration niya sa It’s Showtime last Saturday.

Matatandaang sa naturang episode ng It’s Show­time, ang naging birthday wish ni Vice ay maging masaya na lang ang mga tao at tanggapin ang taong mamahalin niya at nagmamahal sa kanya at tigilan na ang pamba-bash sa kanila.

‘Di man pangalanan ang ba­gong boyfriend ni Vice, matu­nog na si Ion Perez o mas kilala bi­lang Kuya Escort sa It’s Show­time ang bagong inspiras­yon nga­yon ng tv host-comedian.

Lalo pang tumibay ang espekulasyon ng iba nang sa Gandang Gabi Vice birthday celebration ni Vice nu’ng naka­raang Linggo ay naging surprise guest niya sina Jackque at Ion at nabanggit ni Kuya Escort na kung may pinakakinata­takutan man siya, ‘yun ay ang mawala ang kung ano’ng meron sila ni Vice at espesyal ito para sa kanya.

Samantala, ‘di nakadalo si Vice sa katatapos na 50th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards Night kung saan tinanghal siya bilang Phenomenal Box Office Star para sa pelikulang Fantastica at ka-tie sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Paliwanag ni Vice, may ganap siya nang araw na ‘yun pero labis ang pasasalamat niya sa karangalang ilang taon na ring ipinagkakaloob sa kanya ng pa­munuan ng Guillermo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page