top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalagang Pilipinas ni: John Rey Seminiano Reonico

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

Binibini, kumusta?

Dati-rati, lubos kang kayganda,

perpekto ang hubog at kurba.

Ba’t ngayon, tila naglaho na?

Balita ko’y napagsamantalahan ka?

Inalipin at inalipusta,

ng mga bisita’t banyaga,

ngayon, ika’y paano na?

Sa utang ay nalubog ka,

ginamit ng iyong mga itinalaga.

Mga buwaya’t utak-talangka,

hilahan nang hilahan

kaya’t ikaw ang bumababa.

Mga anak mo’y nangingibang-bansa,

Upang makipagsapalaran at kumita

habang ang mga pikit sa ginto mo’y

nagpapakasasa,

nalason na ang iyong adhika.

Binibini, kumusta?

Tila ba’t isang sumpa,

‘di ka naman naninigarilyo,

ngunit, puro usok ang iyong ibinubuga.

Binibini, para sa’n pa,

ang binuhos na pawis at tinta?

Umaasa na ika’y mapalaya na,

ngunit, hanggang ngayon ika’y nasa selda.

Sa sakit ng lipunan,

marahil wala ng lunas,

sana’y muling mahagkan,

ang isang dalagang Pilipinas

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page