top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bumababang kalidad ng pagtuturo sa kabataan, bigyang-pansin!

Win Gatchalian
Apr 4, 2019
2 min read

PARA maisakatuparan ang mga plano at pro­yekto ng gobyerno alang-alang sa ikaaangat ng estado ng edukasyon sa bansa, napakaha­la­­gang hakbang ang pagpapasa ng 2019 Na­tional Budget ng gobyerno.

Katatapos lamang ng school year sa kara­mihang paaralan, heto naman ang paghahanda para sa panibagong taon. Maraming dapat si­mulan tulad nang pagpapatayo ng mga karag­da­gang klasrum at pagkuha ng dagdag na mga guro.

Hindi natin maaaring hayaang lubos na ma­apektuhan at mahirapan ang mga estudyante, guro at mga magulang dahil lamang sa mga hindi pagkakasundo sa pagpapasa at pagpapatupad ng nasabing budget.

Base sa Department of Education (DepEd), 80,000 ang tinatayang bilang ng newly hired teachers na kakailanganin para sa School Year 2019-2020.

Kung hindi maipatutupad ang 2019 National Budget sa lalong madaling panahon, magkaka­problema sa paglalagay ng pondo hindi lamang sa karagdagang mga guro, maging sa mga pro­grama at iba pang bayarin.

Kabilang dito ang release ng productivity enhancement benefits at midyear bonuses ng humigit-kumulang 300,000 teachers at per­sonnel ngayong Abril. Bukod dito ay kailangan ding makuha ng mga guro ang kanilang P3, 500 cash allowance na pambili ng school supplies para sa kanilang magiging klase.

Maraming proyektong-gobyerno ang naka­tengga at kailangang maisabatas na mga poli­siya at panukalang-batas na nangangailangan ng agarang pagtugon kaya naman, sana ay ma­resolba na agad ang partikular na usaping ito dahil hindi natin kayang makita na patuloy na maantala ang kinabukasan ng kabataan kundi pati na ang pag-asa ng kani-kanilang mga pa­milya.

Bukod sa suliranin sa bilang ng mga gurong kailangan sa mga klasrum, isa rin sa kinaha­harap na pagsubok ay ang kalidad ng ilan sa pagtuturo. Nakaaalarma ang pagbaba ng kalidad ng pagtuturo ng mga guro dahil sa bilang ng bu­mabagsak sa unang pagkuha ng Licensure Examination for Teachers (LET), lalo na sa elementary at high school level.

Ayon sa Philippine Business for Education (PBEd), ang mga graduate ng mga teacher edu­cation institute (TEI) na kumuha ng LET sa elementary at high school ay hindi nakaaabot sa national passing rate na 75 porsiyento. Ma­aaring nag-ugat ang ganitong resulta sa kaku­langan sa pagsasanay sa kanila habang nasa kolehiyo o unibersidad pa kung saan nagtapos ang estudyante.

Kaya naman hindi natin ito maisisisi sa mga gurong nag-enroll para lumawak ang kaalaman sa iba’t ibang professional development cour­ses. Sa halip, kailangang masiyasat ang kala­gayan ng TEIs sa bansa, lalo na ng kurikulum, human at school resources at pamamaraan ng pagtuturo nito upang matingnan kung saan ang kakulangan para sa pagpapabuti o pagsasaayos ng kanilang teacher-education programs.

Sa madaling salita, nararapat lamang na bumuo ang TEIs ng mabisang plano at meka­nismo upang matulungan ang mga guro na ma­ging mahusay hindi lamang sa kanilang larangan kundi sa kaalaman at karunungan na kanilang ibabahagi sa kanilang mga mag-aaral.

Pangunahin nating layunin ay mapalawak ang access sa elementarya, high school at kole­hiyo. Ang pagpapabuti ng kalidad nito at ma-monitor ang pamamahala nito ay tiyak nating tututukan hanggang sa maging pulido at ma­tagumpay ang pagpapatakbo ng lahat.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page