top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bitay sa homosexual, tuloy

Jersey Sanchez
Apr 4, 2019
1 min read

IPINATUPAD na ng Sultanate of Brunei kahapon ang mas matinding batas laban sa mga Muslim na masasangkot sa adultery at gay sex.

Batay sa bagong penal code sa ilalim ng Sharia Law, “death by stoning” ang parusa sa mga Muslim na mapatutunayang guilty sa same sex relations, adultery, sodomy at rape.

Gayunman, ayon sa government website ng Brunei, hindi sila umaasa na sasang-ayon ang lahat ng tao sa naturang batas ngunit, kailangan umano nilang igalang ang bansa tulad ng paggalang na ibinibigay nito sa ibang nasyon.

Bagama’t, nakatatanggap ng batikos, inihayag ng tanggapan ng prime minister na wala silang plano na ihinto ang pagpapatupad ng batas.

Giit pa ng PM, ang Brunei ay sovereign Islamic at full independent country na may karapatang magpatupad ng sariling batas.

Matatandaang, Brunei ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpapatupad ng death penalty laban sa mga homosexual.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page