top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After mapanood ang sex video ng singer… HIRIT NI ARNELL: NAWALAN AKO NG GANANG KUMAIN DAHIL KAY JIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HALU-HALO ang naging reaksiyon ng madlang pipol sa kumalat na maselang video ng singer na si Jim Paredes.

Marami ang kumukutya sa kanya at hindi maka­paniwala dahil sa edad niyang 67 ay nakagawa pa raw ito ng ganitong bagay na nagdulot ng pagka­dungis ng kanyang pangalan bilang respetadong singer at haligi ng Philippine music industry dahil miyembro siya ng sikat na sikat na grupong APO Hiking Society.

Karamihan din ng mga bashers ngayon ng veteran singer ay ang mga supporters ni P-Digong dahil kilala siya bilang kritiko ng ating presidente.

Kaugnay ng isyung ito, may ilang celebrities ang nagbigay ng komento sa videong kumalat at ang ilan ay nagpahatid naman ng pagsuporta sa singer.

Isa na sa nagbigay ng komento ang comedian na si Arnell Ignacio na kilalang supporter ni P-Digong na pinagtawanan ang maselang video ng singer at sinabing nawalan siya ng ganang kumain matapos mapanood ito.

Ani Arnel, “Maraming-maraming salamat sa’yo, Jim. Alam mo kasi nagda-diet ako, tumataba ako eh. Pero nung pagkatapos kitang panoorin, palagay ko matagal-tagal bago ako magkaroon ng gana kumain ulit at maglo-lose ako ng weight. “Ano ba yan kasi, Jim. Alam mo sabi mo bastos si Presidente, eh pag pinagtabi kayo ngayon ni President anong gagawin niya sayo?”

Matapang naman ang naging pahayag ng aktor-poet na si Juan Miguel Severo.

Aniya, “Good afternoon. I masturbate, too. But I don’t kill.”

Nagbigay din ng komento ang actor na si Nor Domingo at ikinumpara ang ginawa ni Jim sa pag-amin ni P-Digong na minolestiya niya ang kanilang maid.

Aniya, “Did Jim Paredes violate anyone? Yet, he is being crucified. “Our president confesses he molests their maid and then goes to the bathroom for the ‘usual’ twice, and we laugh. What is wrong with us?”

Nagbigay din ng komento ang veteran singer na si Leah Navarro at nagbigay babala sa mga netizens na nagpapakalat sa video.

Aniya, “Laughing at my friend Jim Paredes and his predicament doesn’t make you, video thieves and sharers, any better than him.

“The lengths you went through to reveal his private data are CRIMINAL and you should be charged.

“You violated his privacy. Karma boomerangs big time.

“yup karma hits you when you least expect it. that is why we are sitting back & relaxing here waiting for it to hit you.”

Samantala, matapos aminin ni Paredes na totoo at siya ang nasa kumakalat na maselang video, handa namang tumulong ang PNP na imbestigahan kung paano kumalat sa social media ang scandal video ng veteran singer.

“Kung mangyari man na talagang hihingi [siya] ng tulong, nakahanda po ang PNP na umalalay at imbestigahan ang pangyayari,” ang naging pahayag ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac.

Nagbigay babala rin ang PNP sa ‘wag mag-share ng private videos o scandal videos online at maging isang responsableng social media user.

“Sa pangkalahatan, ang paalala natin sa lahat kapag may mga ganitong mga pribado na issues, kung maaari lang po ay wag na natin itong gamitin, wag ipaikalat, bilang mga responsableng netizens na gumagamit ng social media,” paalala ng PNP.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page