Wanted na rapist timbog
Pabs Hernandez III
Apr 3, 2019
1 min read
ILOCOS SUR—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Candon City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Mark Miguel, residente ng nasabing lalawigan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Miguel sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments