Salungat ni: Silentlau
- BULGAR

- Apr 3, 2019
- 1 min read

Nagsimula tayo noon sa kalsadang diretso,
tinatahak natin, nananatiling tuwid.
Hanggang sa dumating ang araw na nagkaroon ng hati,
isa sa kaliwa, isa sa kanan.
Saan ba tayo daraan?
Doon ba sa kanan na
kinamulatang tamang tangan?
O roon sa kaliwa na may tagong katotohanan?
Nagsidiretso kayo sa ligtas na kanan.
Habang ako’y nagpasyang kumaliwa.
Patawad ako’y lilihis, ‘di ako makasasama,
dahil magkaiba ang ating pinaniniwalaan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments