Palit sa trono ni John Lloyd… COCO, TAOB SINA DANIEL AT ALDEN BILANG ENDORSER


SA pag-exit at pamamahinga ni John Lloyd Cruz sa showbiz, nakaarangkada nang husto si Coco Martin lalo na’t napaka-popular ngayon ng serye niyang Ang Probinsyano.
Tumaas nang husto ang popularidad ni Coco kasabay ng pagsikat din ng mga characters na isinama niya sa serye tulad nina Lito Lapid, Edu Manzano, Jhong Hilario, atbp..
Ang mga dating malalaking endorsements ni JLC, napunta na kay Coco a.k.a. Cardo Dalisay.
Malakas pa rin naman ang hatak nina Alden Richards at Daniel Padilla bilang endorsers, pero dahil mga bata, may limitation ang produkto na dapat nilang i-endorse, hindi katulad ni Coco na puwede kahit alak.
Kaya naman, halos nakuha na ni Coco Martin ang malalaking product endorsements. Milyones na ang kinikita niya rito at kahit na hindi na muna siya gumawa ng pelikula ay hindi siya maghihirap.
At maging sa partylist na Ang Probinsyano, si Coco Martin pa rin ang kinuha para mag-endorse kasama si Yassi Pressman.
Gamit na gamit ng Ang Probinsyano partylist ang kasikatan ng serye ganu’n din ng bidang si Cardo Dalisay!





Comments