Lalo na ngayong ang dami ng nakokolektang basura sa iba’t-ibang panig ng bansa... 5 THINGS NA PUWEDE
- Donna Thea Topacio
- Apr 3, 2019
- 2 min read
No Problem

SA dami ng mga basurang nakokolekta, araw-araw, hindi ba nakagi-guilty dahil isa tayo sa dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong sitwasyon? Kaya naman para kahit papaano ay makatulong tayo sa kalikasan, narito ang mga bagay na puwede pang mapakinabangan:
1. MAGAZINES. Kung mahilig kayong bumili ng magazine, mga besh, dapat alam din ninyong puwede pa itong i-recycle. Maaaring gawing palamuti sa bahay, bag, basket at marami pang iba.
2. OFFICE AND SCHOOL PAPERS. Dahil usung-uso na ang pagpi-print gamit ang bond paper sa opisina at eskuwelahan, dapat alam natin na huwag natin itong basta-basta na lang itatapon dahil puwede pa itong gamiting muli bilang scratch paper, design sa mga project at iba pa.
3. CANS. Pagkatapos uminom ng softdrinks, juice o energy drink sa can, make sure na bukod sa itatapon ninyo ito sa tamang lagayan, eh, mag-iisip din kayo ng paraan kung paano pa ito mapakikinabangan. Sa totoo lang, napaka-useful ng can dahil puwede itong gawing, organizer, vase, palamuti, laruan at marami pang iba. Oh, ‘di ba, bongga?
4. BEER BOTTLES. Shouout sa mga manginginom diyan kaysa basagin ninyo ang mga boteng inyong iniinuman, why not gawin n’yo na lang itong kapaki-pakinabang, halimbawa, gawing lagayan ng mga sandok sa bahay. Ganern!
5. PLASTIC BOTTLES. Halos lahat ng mga inumin na nabibili sa mga tindahan ay inilalagay sa plastik bottle, kaya huwag na tayong magtaka kung punumpuno ng basura ang mga ilog, creek at marami pang iba. Pero, para maiwasan ito, subukan nating mag-isip ng ibang paraan para magamit pa natin ang mga ito. Puwede itong maging alkansiya, tabo o kaya ay pang-float kung magsu-swimming tayo ngayong summer. Hi-hi-hi!
Oh, ayan, mga besh, simple lang naman ang mga ito, kaya dehins kayo mahihirapan.
Be resourceful para matulungan natin si Inang Kalikasan!
Okie?





Comments