Kung sang-ayon sa batas ang pagpapapirma ng kasunduan kapag nagpapadala ng gamit
- BULGAR

- Apr 3, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Nang magpapadala ako ng ilang kagamitan sa aming probinsiya, pinapirma ako sa kontrata ng delivery truck na kung anuman ang mangyari sa mga gamit na aking ipadadala ay wala silang kahit na anumang pananagutan. Tama ba ito? — Angie
Dear Angie,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Article 1745 ng New Civil Code of the Philippines, ang kasunduan kaugnay sa pag-aalis ng pananagutan ng common carrier ay maaaring ipawalambisa kung pilit na ipinapipirma ito bilang kondisyon sa pagtanggap ng mga produktong ipararating. Ayon dito:
“Art. 1745. Any of the following or similar stipulations shall be considered unreasonable, unjust and contrary to public policy:
(1) That the goods are transported at the risk of the owner or shipper;
(2) That the common carrier will not be liable for any loss, destruction, or deterioration of the goods;
xxx”
Sa inyong sitwasyon, ang kasunduan na pinapirmahan sa inyo ay itinuturing ng ating batas na hindi katanggap-tanggap at salungat sa mga polisiya sa ating lipunan. Samakatwid, maaari pa ring managot ang nasabing common carrier sa inyo kahit na may kasunduan kayo na nag-aalis nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments