top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Habang papunta sa taping… JANINE NAAKSIDENTE, SASAKYAN WARAK!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NASANGKOT sa minor accident ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez kung saan nabangga ng fire truck ang sinasak­yan niyang Dodge Durango na mina­maneho ng kanyang driver.

Napag-alaman na naganap ito sa bandang Ortigas Avenue mag-a-alas-dos nang umaga noong April 1 habang papunta ang aktres sa taping ng kan­yang GMA fantaseryeng Dragon Lady na kanyang pinagbibidahan.

Nasira ang bumper, tire rod, at ilan pang parts ng unahang bahagi ng sa­sakyan ni Janine kaya kinailangan itong i-tow at dalhin sa talyer dahil hindi na ito kayang imaneho pa.

Gayunman, hindi nasaktan o naga­lusan man lang ang aktres (na nakaupo sa bandang likod ng sasakyan) at pati na rin ang kanyang driver. Wala ring nasaktan sa mga bumbero na sakay ng fire truck.

Nahingan naman ng pahayag ng PEP.ph ang aktres at sinabi niyang naalog lang ang kanilang sasakyan.

Aniya, “Hindi naman, medyo ano lang, naalog.”

Sa kabila ng takot sa kinasangkutang aksidente, dumiretso pa rin ang aktres at tumuloy sa taping ng kanyang serye.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page