top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Caretaker todas sa mga armado

Pabs Hernandez III
Apr 3, 2019
1 min read

CAGAYAN—Isang caretaker ang napatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Mabini, Baggao sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Gaby Agunoy, caretaker ng Rubber Tree Plantation sa nabanggit na barangay.

Nabatid na habang nakatayo si Agunoy ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page