Ayon sa mga eksperto... PASAS, EPEKTIB NA PANLABAN SA LAGNAT!
- BULGAR

- Apr 3, 2019
- 1 min read

KARAMIHAN sa mga pastry, ulam at dessert ay nilalagyan ng pasas, kaya ‘yung iba sa atin ay nawawalan ng gana. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ayaw ng iba sa pasas, ‘yun lang! Kaya naman para maengganyo kayong kumain nito, knows ba ninyong maraming benepisyo ang maidudulot nito sa ating kalusugan? Wow!
Ayon sa pag-aaral noong 2011, ang pasas umano ay nakai-improve ng performance ng mga atleta, ito ay dahil sa mataas na kalidad ng sugar na mayroon ito.
Gayunman, kung anemic kayo, mga beshy, mainam kung regular kayong kakain ng pasas dahil kaya nitong ayusin ang daloy ng inyong dugo.
Dagdag pa rito, tulad ng prunes, keri ring i-improve ng pasas ang ating bowel movement.
Para naman sa mga acidic dahil sa taglay na magnesium at potassium ng pasas, kaya nitong i-reduce ang acid na nasa inyong katawan, bagay na bagay ito para sa mga taong may gastroesphageal reflux disease (Gerd).
Samantala, kung nilalagnat kayo, mga besh, huwag kayong mag-alala dahil bukod sa pag-inom ng paracetamol, epektibo rin ang pagkain ng pasas dahil mayroon itong phenolic phytochemicals o ‘yung mga antibacterial at antioxidants agent.
Sa kabuuan, kayang alisin ng pasas ang mga bad bacteria na nasa ating katawan, partikular sa tiyan at bibig.
Kaya ang payo ng mga eksperto, ugaliin ang pagiging maselan para masiguro ninyo ang inyong kaligtasan.
Kaya, mga beshy, kung isa ka sa mga taong ayaw ng pasas, pag-isipan mo ‘yan nang mabuti, ha?
Ngayong alam na ninyo ang maidudulot nito, tatanggi pa kaya kayo? Hmmm… will see!
Okidoki?




Comments